Sinasabing ang wika upang ituring na buhay ay bukas sa pagpasok ng mga bagong salita ayon sa pangangailangan ng panahon. Ayon nga sa isang kasabihan sa Ingles: “Variety is the spice of life.” Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi makasasama. Maaari itong tingnan bilang isang proseso ng pag-unlad at pagyabong, isang magandang pangyayari sa pagpapayaman sa wika.
Ayon kay Pamela Constantino (2002), “mahalaga ang pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa”. Naniniwala siyang may malaking kinalaman o ugnayan ang wika sa lipunan at ang lipunan ay isang masining na kultura. Dagdag pa niya, “Ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu/ kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa lipunan/komunidad.” (Constantino, p.10)
Register ng Wika
Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang pinaggamitan. Natutukoy lamang ang kahulugan nito kung malalaman ang larangang pinaggamitan nito. Ito ang tinatawag na register ng wika.
Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang register.
- isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan, pagpapakasal, kamatayan
- isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)
- pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon)
- pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
- pagpasok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o pag-alala sa natutuhan (sikolohiya)
Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi ipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito. May mga akronim tayo tulad ng CA na ang kahulugan sa medisina ay cancer, calcium sa nutrisyon, Communication Arts sa Komunikasyon at Civil Aeronautics sa kursong Aeronautics, Chartered Accountant, Chief Accountant sa Accounting, Chronological Age, Coast Artillery, at Consular Agent.
Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangahulugang pag-atras o pagsuko sa larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko (banking), pagpapalabas ng semilya upang hindi makapasok sa kaangkinan ng babae (science), pagtigil o pagpigil sa bagay na gustong sabihin o gawin (komunikasyon).
Ano ang gamit ng wika sa iba’t ibang larangan? Narito ang ilang halimbawa:
Salita | Larangan | Kahulugan |
---|---|---|
komposisyon (composition) | musika | piyesa o awit |
lengguwahe | sulatin | |
agham | pinagsama-samang elemento | |
isyu (issue) | politika | usaping pampolitika/panlipunan |
pamamahayag | bilang ng labas ng pahayagan | |
general | military | mataas na ranggo |
lengguwahe | pangkalahatan | |
race | sociology | lahi, angkan, lipi |
lengguwahe | pangkalahatan | |
pinagsama-samang elemento | ||
stress | psychology | tensiyon |
lengguwahe | diin, tuldik | |
strike | sports | nasapol, termino sa bowling |
paggawa | welga | |
lengguwahe | hambalusin, hampasin | |
state | politika | bansa, estado |
komunikasyon | sabihin, ipahayag | |
psychology | kalagayan, kondisyon | |
operasyon | medisina | pagtistis |
paggawa | pagpapalakad ng makina/opisina | |
militar | pagsasagawa ng isang plano | |
hardware | teknolohiya | kagamitang pangkompyuter sa loob ng CPU |
kalakalan | tindahan ng mga gamit para sa pagtatayo ng bahay | |
authority | literatura | dalubhasa dahil sa sariling likha |
militar | taong may katungkulan | |
psychology | tao o pangkat na may karapatan o kapangyarihan |
IBA’T IBANG BARAYTI NG WIKA
Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga lingguwista, ang barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. lto rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri. at anyo ng salita. Nagbigay si John Cafford (1965), sa kanyang aklat na A Linguistic Theory of Transaction ng dalawang uri ng barayti ng wika.
A. Permanente Para sa mga Tagapagsalita o Tagapagbasa
Nabibilang dito ang sumusunod:
- Diyalekto. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensiyon: lugar, panahon, at katayuang sosyal.
Halimbawa: Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna
Panahon: Lumang Filipino, Makabagong Filipino Katayuang Sosyal: Kinabibilangang antas sa lipunan - Idyolek. Ang idyolek ay isang barayti kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Tanda ng idyolek ang madalas na paggamit ng partikular na bokabularyo. Maaaring magbago ang idyolek sa paglipas ng panahon. Sanhi nito ang adapsiyon ng bagong pagbaybay at natututuhang mga bokabularyo. Gayunman, ayon pa rin kay Cafford, maituturing namang permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang.
B. Pansamantala dahil Nagbabago kung may Pagbabago sa Sitwasyon ng Pahayag
Maibibilang dito ang sumusunod:
- Ang register (kaugnay ng natalakay na sa unahang bahagi ng aralin) ay barayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Halimbawa: siyentipikong register, panrelihiyong register, pang-akademikong register, at iba pang larangan - Ang estilo ay ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring pormal, kolokyal, o personal. Maibibilang dito ang antas o lebel ng wika.
- Ang mode ay ang barayting kaugnay sa gagamiting midyum sa pagpapahayag kung ito’y pasalita o pasulat.
Sa papel ni Nilo Ocampo (2012) na “Mga Varayti ng Wika,” naging paksa ng kanyang pagtalakay ang salin at halaw sa aklat ni George Yule (2010) na The Study of Language. Dito, binigyang-diin na ang pagkakaiba-iba ng wika ay napakahalaga at kinikilalang bahagi ng pang-araw-araw na paggamit ng wika sa iba’t ibang komunidad na rehiyonal at panlipunan.
Rehiyonal
Ipinaliliwanag dito ang papel ng mga aspektong rehiyonal (lugar at espasyo o kapaligiran ng wika) sa pagkaroon ng pagkakaiba-iba sa wikang ginagamit at kung papaano ito sinasalita.
- Istandard na Wika. Itinuturing itong `wastong’ uri at gamit ng wika—bumubuo sa batayan ng varayting nakalimbag at wikang panturo.
- Punto/Aksent at Diyalekto. Bawat gumagamit ng wika ay may punto o aksent ng pagbigkas na nagpapakilala sa pinanggalingang rehiyon ng nagsasalita. Ang diyalekto naman ay naglalarawan sa mga sangkap ng gramar at bokabularyo. gayundin ng aspekto ng pagbigkas.
- Diyalektolohiya. Pag-aaral ng mga diyalekto; pagkilala ng dalawang magkaibang diyalekto sa (1) magkatulad na wika (kung saan ang mga tagapagsalita ay nagkakaunawaan), at (2) dalawang magkaibang wika (kung saan ang mga tagapagsalita ay hindi nagkakaunawaan sa isa’t isa).
- Mga Diyalektong Rehiyonal. lto ay naglalarawan sa mga identipikasyon ng mga konsistent na katangian ng pananalitang matatagpuan sa isang heograpikong lugar. lsogloss at
- Diyalektong Hanggahan. Ang isogloss ay tumutukoy sa linya sa isang mapa na kumakatawan sa pagitan ng mga Iugar tungkol sa isang partikular na salita (lingguwistikong aytem).
Ang diyalektong hanggahan ay tumutukoy sa kaibahan ng pananalita sa iba’t ibang lugar kung saan makikita ang pagkakaiba-iba ng gamit ng mga salita.
- Mga Pidgin at Creole. Ang pidgin ay isang barayti ng isang wika na napaunlad sa kadahilanang praktikal, tulad ng mga pangangalakal, sa mga pangkat ng taong hindi alam ang wika ng iba pa. Kaya, sinasabing wala itong katutubong ispiker. Maaaring mga parirala mula sa ibang wika ang pinanggalingan ng maraming salita sa pidgin.Nagiging creole naman ang isang wika kung ang pidgin ay nadebelop lagpas sa tungkulin nito bilang wika ng pangangalakal at naging unang wika ng isang pamayanang panlipunan. Di tulad ng pidgin, may mga sinusunod na ritong alituntuning panggramatiko.
Halimbawa: Nagsimula bilang pidgin ang Zamboangueño Chavacano na kinalaunan ay naging creole dahil may nabuo itong sariling gramatika. (Semorlan, 2012)
Panlipunan—Wika, Lipunan, at Kultura
lpinaliliwanag dito na hindi dahil magkatulad ang kinalakhang lipunan ng dalawang tao ay parehong-pareho na rin sila ng gamit ng wika. Samakatwid, nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba-iba ang gamit ng wika batay sa pansarili niyang kultura at mula rito ay nadedebelop ang posibleng barayting pangwika.
- Mga Panlipunang Diyalekto. Sinusukat naman ang barayti ng wika batay sa panlipunang sektor ng uri, edukasyon, trabaho, edad, kasarian, at iba pang panlipunang sukatan.
- Edukasyon, Okupasyon, Uring Panlipunan. Tumutukoy ito sa sosyal na aspekto ng isang nagsasaiita ng wika batay sa paraan ng kanyang edukasyong nakamit at trabaho o propesyong kinabibilangan.
- Edad at Kasarian. Nakadaragdag kulay rin ang edad at kasarian sa pagpapalawak ng barayti ng isang wika. lpinaliliwanag na kahit na maraming tao ang kabilang sa isang pangkat paniipunan, nag-iiba pa rin ang gamit ng mga salita batay sa edad ng tao at kasarian. Halimbawa na lamang nito ang pagkakaiba ng gamit ng salita ng mga bata kompara sa matatanda.
- Etnikong Kaligiran. Sa pagpapaunlad ng barayti ng wika, malaki ang kontribusyon ng mga bagong lipat na tao sa isang lugar. Dahil sa pagkakaroon ng magkaibang etnikong kaligiran, nagkakaroon din ng paglalahok o pagsasama ng magkaibang wika.
Halimbawa: Ang pagdaragdag ng mga salita mula sa ibang mga wika sa Piipinas tungo sa wikang Filipino, tulad ng pagpasok ng salitang Sebuwano na towatan sa wikang Filipino.