Di-pormal na Liham
Ang ganitong uri ng korespondensiyang liham ay karaniwang isinusulat para sa mga kaibigan, kamag-anak, at malalapit na kakilala. Hindi kinakailangang tumugon sa tuntunin ng pagsulat na humihingi ng estriktong pagsunod sa anyo at pananalita. Ang tanging ninanais ay makapagpahayag ng damdamin, masabi ang nais sabihin, o makipagtalastasan. Bagama’t gumagamit ng di-pormal na wika, hinihiling na iwasan ang labis na kasidhian sa paggamit ng balbal na salita o kaya ang mga nauusong wikang di katanggap-tanggap sa akademiya.
Pormal na Liham
Pakikipagtalastasan at pagpapahayag ang karaniwang layunin ng pormal na liham na karaniwang ginagamit sa paghahanap ng tanggapang mapapasukan at sa iba pang uri ng pakikipagkalakalan. Humihingi ito ng pormal na wika na katanggap-tanggap sa akademiya na tiyak, maikli, at malinaw.